Entries for March, 2005

March 16th, 2005

NIght out with Jiselle...

 

Whew. I never thought I’d have the chance to update again. I’ve been extremely busy these past few days. Anyway, I got a story to share.

 

Yesterday, I was planning on resting na lang. E kaso, may nangungulit.  Na miss lang siguro ako. Hahaha! Just kidding! I went to a friend’s house. Nanggulo lang naman ng rehearsal. Hahaha! my favorite past-time, manggulo. Hehehe!

 
After that, Jiselle and I had dinner. Then we decided to talk some more. So, we got in a cab. Punta sana ng WOW. But pagdating sa Roxas Blvd, we changed our minds. Baywalk na lang. Walang kasawaan.
 
We got there at around 12 am. Had coffee sa café adriatico. Naki-jam si Jiselle, kapal ng mukha, jOwk! Hahaha! astig nga eh, biglang dumami tao. They got drawn sa café Ad nang narinig ang voice ni Jiselle. Yikes, siren ka ba Je? Hahaha!
 
When Jiselle was onstage, I got a chance to look around. Nice view. Ganda ng dagat. So placid. Parang walang posibleng mangyaring masama. Pero, parang lang.
 
Then at around 2, lumipat naman kami Big Mama’s. sa tapat ng Malate church. Wala lang. We had coffee lang. Then usap uli. Ang saya!
 
Sarap talaga ng gabi. I wished that night won’t end. Time flies when you’re with good company. We talked about anything, and everything, and nothing of relevance. (ano daw?) hahaha!
 
Anyway, when I mentioned the sea kay Jiselle, aba! Naaliw ata, isulat ko daw yung sinasabi ko. tapos dudugtungan niya. and this, my friends, ang kinalabasan. Enjoy.
 
 
I – Café Adriatico
 
Ang ikli ng gabi
Tahimik ang dagat
Maraming tao
Pero hindi pa rin sapat
 
Merong musika
Naririnig ng tenga
Pero musika nga ba?
O isang simpleng kanta?
 
Kausap ka
May hihilingin pa ba?
Mas mahabang panahon
Puwede ba?
 
Kung uuwi naman ng Bahay
Ako’y mag-iisa
Makikinig na lang ng musika
Habang ang isip ko’y nasa iyo pa
 
May dumaang bata
Siya’y nakadilaw
Nanakbo na lang bigla
Hindi na abot ng aking tanaw
 
Ang ilaw ay kulay berde
Pati ang dahon ng niyog
Ako’y nalilito
Damdamin ba’y nahuhulog?
 
Di mo ba naiintindihan
Na ikaw ang dahilan
Kaya’t ang tulang ito
Ay aking nasimulan
 
Alam kong hindi mo pansin
Dahil hindi ko maamin
Ikaw ba’y nagbubulag-bulagan
O sadyang manhid ka lang?
 
II – Big Mama’s
 
May unggoy sa puno
May payong na pula’t itim
May krus na umiilaw
Ito ba’y nagbibigay liwanag sa dilim?
 
Malamig na ang kape
Pero hindi pa rin ubos
May dumaang ale
Binigyan ko ng limos
 
May kalapit kaming pulis
Apat sila at nag e-english pa
Akala ko naman kung ano pinaguusapan
Kalokohan lang pala
 
May dumaan na namang ale
Nagbebenta ng manika
Nakakaaliw sana
Ngunit ito pa rin ay balewala
 
May dalawang babae
Nasa kalapit mesa
May kausap na mga lalaki
Sila’y nagpapakilala
 
May dumating na metro aide
Suot ay dilaw at pula
May hawak na walis
Siyempre, ano pa nga ba?
 
May taxing walang sakay
Malamang, ang metro’y patay
Wala lang, sinabi ko lang
Nang ito’y madugtungan
 
Matatapos na ang dilim
Isip koy’ nasa iyo pa rin
Kung makatulog man ng mahimbing
Sana ikaw ang makita ko pag gising
 
May lumapit na lalaki
Siya’y naka uniporme
Ako’y biglang nakilala
Biglang nanglibre ng kape
 
Pag dating ng kape
Tinimpla ko agad
Kahit hindi pa naman inaantok
Isip ko’y lumilipad
 
Ang langit ay nagkukulay asul na
Init ng haring araw, malapit na madama
Ang hotdog at kape, nakahain na
Heto ako, mag aalmusal mag-isa
 
May mama, suot ay puti
Siya’y nagwawalis
Wala na kasi ang metro aide
Kanina pa umalis
 
Sabi ni kuya, lumipat na daw kami ng mesa
Dahil daw ito’y gagamitin ni lito atienza
Ang coffee mate at asukal, kinuha na
Kasabay pa ng kalembang ng kampana
 
Ngayon sa baywalk ay papunta
Ang sunrise, nais makita
Naupo, nag-antay, biglang naalala
Dito pala ay sunset, ay tanga!
 
Ako’y naglalakad pabalik
Papuntang Mabini para sumakay ng dyip
Ang ilong ko’y aking pinitik
Dahil ang mga mata ko’y kusang pumipikit
 
Papuntang divisoria, ako’y sumakay
Daan pauwi sa aking Bahay
Kung saan ang higaan ko’y nag-aantay
Upang ang katawan ko’y humimlay
 
Ang tulang ito’y malapit na matapos
Ngunit ang tubig ay patuloy na umaagos
Tulad ng puso kong sa iyo nakagapos
Na nagmamahal ng tapat at lubos
 
Kung nabasa ninyo lahat ang nilalaman
Naipahiwatig ba ang aking nararamdaman?
Marahil, hindi ninyo maintindihan
Ngunit sa nagsulat nito, ito’y makahulugan.
 
 
 
Currently listening to: cars sa labas
Currently reading: moonlit nights
Currently feeling: sleepy
Posted by dejected_kid at 05:13 PM | am i goin' nuts?